Balitang A2Z

Iran, nagpalipad ng missile sa Israel matapos ang pag-atake ng U.S. sa nuclear sites

Patuloy ang pagpapalitan ng air attacks ng Israel at Iran matapos atakihin ng Estados Unidos ang tatlong Iranian nuclear sites.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Patuloy ang pagpapalitan ng air attacks ng Israel at Iran matapos atakihin ng Estados Unidos ang tatlong Iranian nuclear sites.

Nagkaroon na rin ng mga pagsabog sa Tehran matapos ianunsyo ng Israel ang pag-atake sa government at military sites ng Iran.

Tinugunan naman ito ng Iran ng missile at drones.

Hindi bababa sa apatnaraang indibidwal na ang nasawi kabilang ang mga bata ayon sa bansang Iran.

ADVERTISEMENT

Habang may nasawi nang 24 sa Israel mula sa Iranian strikes.

Pinangambahan naman ang mas malawak na giyera sa rehiyon na agad nagpataas ng presyo ng langis sa global market.

What do you feel about this article?