Iran, naglunsad ng airstrike sa U.S bases sa Qatar

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค BALITANG A2Z  |  ๐Ÿ“‚ Balitang A2Z

Nagpadala ng airstrike ang Iran target ang U.S. Military bases sa Qatar nitong June 23 ng gabi.

Ayon sa Iran, nagpaabot sila ng advance warning sa Qatari government upang mabawasan ang mga biktima. Matatandaang ilang minuto bago ang airstrike ay isinara ng Qatar ang airspace nito. Ayon sa Qatari foreign minister, walang naiulat na casualty sa pag-atake.

Kasunod nito, inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na nagkasundo na umano ang Iran at Israel ng tigil-putukan, bagay na itinanggi naman ng Iran.

Sumiklab ang panibagong giyera sa Middle East matapos maglunsad ng malawakang opensiba ang Israel sa Iran dahil sa pagtutol nito sa nuclear weapons ng Iran. Agad namang gumanti ang Iran at idineklara ang digmaan. Lalong tumaas ang tensyon nang lumahok si Trump at nagpadala ng airstrike sa nuclear sites ng Iran nitong June 22.

ADVERTISEMENT

Itinaas ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 3 sa Iran at Israel na hudyat ng voluntary repatriation para sa mga Pilipino doon.