Marapat umanong ibasura ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa kawalan nito ng bisa sa simula pa lamang.
Ayon sa kampo ni VP Sara sa kanilang tugon sa writ of summons ng impeachment court, labag umano ito sa one-year bar rule ng Saligang Batas.
Sa katagang Latin na ad cautelam, sinagot ni VP Sara ang reklamo, ngunit iginiit na hindi nito tinatalikuran ang anumang pagtutol sa hurisdiksyon ng korte at anumang isyu sa kaso.
Nagpadala rin ang Bise Presidente ng kopya ng sagot sa Kamara, na natanggap kahapon.
ADVERTISEMENT
Mayroon lamang hanggang June 30 ang prosekusyon upang magbigay ng tugon sa kampo ni Duterte. (Sarah Lagsac-Arsenio/News Light)

