SportsFeatured

Alex Eala, wagi kontra Bronzetti sa Eastbourne Open | News Light

Matapos lamang ang mahigit isang oras, nagwagi si Filipina tennis star Alex Eala laban kay Lucia Bronzetti ng Italy, 6-0, 6-1, sa unang round ng 2025 Eastbourne Open.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Matapos lamang ang mahigit isang oras, nagwagi si Filipina tennis star Alex Eala laban kay Lucia Bronzetti ng Italy, 6-0, 6-1, sa unang round ng 2025 Eastbourne Open.

Ipinamalas ni Eala ang kanyang lakas at husay sa court kontra sa mas mataas na ranggong si Bronzetti, na kasalukuyang nasa ika-59 na pwesto sa buong mundo.

Sa kanyang impresibong panalo, umusad si Eala sa ikalawang round ng prestihiyosong torneo.

What do you feel about this article?