Lumipad patungong Melbourne, Australia si Vice President Sara Duterte nitong martes gabi ayon sa opisina ng pangalawang pangulo.
Dadalo si Duterte sa rally sa June 22 para ipanawagan ang pagpapalaya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakadetine sa ICC sa Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.
Bago ang biyaheng ito, gumawa rin siya ng ‘personal trip” sa Malaysia.
Noong nakaraang buwan, nasa Netherlands din si Duterte para sa kanyang kaarawan at nanguna sa isang protesta para sa kanyang ama.
Ang sunod-sunod na paglabas ng bansa ng bise presidente ay nangyayari sa gitna ng nalalapit na impeachment trial sa senado.
ADVERTISEMENT
Siya ay naimpeach ng kamara noong February 5 dahil sa alegasyon ng betrayal of public trust, korapsyon, at iba pang mabibigat na paglabag.

