News LightLatest News

Ombudsman, pinagpapaliwanag si VP Sara Duterte kaugnay ng kanyang plunder case | News Light

Inatasan ng Ombudsman si Vice President Sara Duterte at ilang kasama na magpaliwanag sa mga kasong plunder, technical malversation, at korapsyon kaugnay sa umano’y pag-abuso sa confidential funds.

Giselle Crazo · · 1 min read
Vice President of the Philippines, Sara Duterte

Courtesy: House of Representatives

Inatasan ng Ombudsman si Vice President Sara Duterte at ilang kasama na magpaliwanag sa mga kasong plunder, technical malversation, at korapsyon kaugnay sa umano’y pag-abuso sa confidential funds.

Kabilang sa mga pinagpapaliwanag ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez, disbursing officer Gina Acosta, ilang dating DepEd officials, at security chief na si Col. Raymund Lachica.

Kinumpirma ni Ombudsman Samuel Martires ang utos at sinabing may sampung araw silang palugit para maghain ng counter-affidavit at ebidensya.

Babala ng Ombudsman, ituturing na pagkawala ng karapatang magpresenta ng ebidensya ang hindi pagharap at pagbibigay ng sagot.

ADVERTISEMENT

Habang wala pa namang komento ang opisina ni Duterte, nauna na naman niyang iginiit na politikal ang motibo sa isyu.

What do you feel about this article?