Balitang A2ZLatest News

Isa sa mga sangkot sa “Missing Sabungeros,” posibleng gawing state witness ayon sa DOJ

Posibleng gawing state witness ang isang suspek sa pagkawala ng mga sabungero ayon yan mismo kay Justice Secretary "Boying" Remulla.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Posibleng gawing state witness ang isang suspek sa pagkawala ng mga sabungero ayon yan mismo kay Justice Secretary “Boying” Remulla.

Ayon sa DOJ, kasong kidnapping at illegal detention ang kinakaharap ng naturang indibidwa pero maaari siyang i-discharge kung mapatunayang mahalaga ang kanyang salaysay.

Sa pahayag naman ni Justice Secretary Remulla, matagal na niya aniyang kilala ang testigo at desidido itong magsabi ng totoo.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na may iba pang dokumentong maaring magpatunay sa mga alegasyon ng testigo.

ADVERTISEMENT

Habang isang composite team ng technical divers mula coast guard at philippine navy ang ipapadala sa lawa… para hanapin ang posibleng labi ng mga biktima.

Tiniyak naman ni Remulla na makikipag-ugnayan sila sa mga pamilya ng mga nawawala hinggil sa update.

What do you feel about this article?