Balitang A2ZFeatured

Implementasyon ng NCAP sa Metro Manila, sinuportahan ni PBBM

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa Metro Manila.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa Metro Manila.

Ayon sa pangulo, bawas ito sa korapsyon at tutulong sa pagtalima sa batas-trapiko ng mga motorista.

Matatandaang muling ipinatupad ng mmda ang NCAP nitong mayo matapos bawiin ng Korte Suprema ang temporary restraining order.

Taliwas sa batikos, hindi naniniwala ang pangulo na gagamitin lang ito bilang “milking cow” para sa mga multa.

ADVERTISEMENT

Giit ng pangulo magandang layunin ito para masunod ang batas trapiko.

What do you feel about this article?