Dynamic worship ang nasaksihan ng mga Pinoy worshippers sa two-day worship concert ng Christian group na ‘CXMMXNS’.
Bumisita kasi ang grupo dito sa Pilipinas para sa kanilang Mighty to Save Tour.
Binubuo ang Commons nina Dove-award at Grammy-award winning songwriters Reuben Morgan at Ben Fielding, kasama ang worship leader na si Aodhan King.
Pitong taon na rin mula nang huling bumisita ang grupo sa Pilipinas, kaya naman excited ang tatlo na muling makasamang magpuri sa Diyos ang mga Pinoy.
Kilala ang tatlo sa kanilang mga isinulat at inawit na mga kanta sa Hillsong gaya ng “Still,” “Lord I Give You My Heart,” “Cornerstone,” at iba pa na tampok din sa worship concert.
Kinanta rin sa worship concert ang ilan sa mga bagong kanta ng Commons tulad ng “God Is Able.”
ADVERTISEMENT
At hindi rin nawala ang kantang “Mighty to Save,” na tungkol sa sakripisyo ni Kristo sa krus para sa ating kaligtasan.
Ginaganap ang Mighty to Save Tour sa SM Mall of Asia Arena noong June 7 and 8.
Ano naman kayang mensahe ng grupo sa Pinoy worshippers?

