Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng deadline hanggang disyembre ang mga opisya para ayusin ang San Juanico bridge at magamit muli ito para sa mga sasakyang may bigat na hanggang labindalawang tonelada.
Babala ng Pangulo, kung di matatapos ang proyekto tatanggapin niya aniya ang mga resignation.
Matatandaang simula pa noong Mayo, limitado sa tatlong tonelada lamang ang dumadaang sasakyan sa 2 point 16 kilometer bridge dahil sa posibleng pagkasira nito na natuklasan ng DPWH.
Dahil sa malaking epekto sa suplay at transportasyon hanggang Mindanao nagdeklara na rin ng state of calamity sa Eastern Visayas si Marcos.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ni Marcos na ibabalik ang serbisyo ng San Juanico sa normal sa lalong madaling panahon.

