Nadagdagan pa ang naitalang pinoy na sugatan sa nagpapatuloy na girian ng Israel at Iran.
Ayon kay Philippine ambassador to Israel Aileen Mendiola, hindi bababa sa walo ang mga pinoy na nasugatan dahil sa kasalukuyang sigalot.
Isa sa mga biktima ang nasa kritikal na sitwasyon habang na-discharge na ang pito pang pinoy.
Sa kasalukuyan, nasa 187 pinoy na sa israel ang humiling ng repatriation sa pamahalaan.

