Iginiit ng Kamara na wala silang kinalaman sa pagkaantala ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House spokesperson Princess Abante, naipasa na ng mababang kapulungan sa Senado ang articles of impeachment.
Pinabulaanan din ni Abante na tinanggihan nila ang entry of appearance ng kampo ni Duterte.
Aniya, hindi lang malinaw ang dokumento na ipinasa sa gate ng batasan lalo’t wala itong cover letter, kaya’t hindi agad natanggap.
ADVERTISEMENT
Binanatan din ni Abante ang Senado sa paggamit ng isyu para ibaling ang sisihan.
Samantala, tinawag naman ni house prosecution spokesperson Attorney Antonio Bucoy na “unusual” ang pag-remand ng Senado sa articles of impeachment at ang paglagay ng kondisyon sa pag-usad ng trial.

