Pinangunahan ng social media personality na si Rendon Labador ang 93-days weight loss at fitness challenge sa Philippine National Police (PNP).
Unang sasabak ang 150 pulis mula sa Police Community Affairs and Development Group.
Ayon kay Labador, tututukan niya ang mga pulis kung saan kanyang titimbangin ang mga ito linggo-linggo at babantayan ang progreso ng bawat isa sa loob ng siyamnapu’t tatlong araw.
Matatandaang inanunsyo ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III na hindi maipo-promote ang mga pulis na overweight kapag hindi nila nakuha ang tamang bodyweight.


