Isang Filipino scholar mula sa Mindanao ang matagumpay na nagtapos sa prestihiyosong Ivy League school na Yale University.
Si Nathan Wayne Ariston ay nagkamit ng parangal na cum laude para sa kanyang double degree sa BS Physics at BS Mathematics.
Natanggap niya rin ang Howard L. Schultz Prize na ibinibigay sa mag-aaral ng Yale na nagpapakita ng kahusayan sa experimental physics.
Unang nang nagpahanga si Nathan noong 2021 nang siya ay makakuha ng full scholarship sa Yale noong siya pa lamang ay estudyante ng Philippine Science High School ng Central Mindanao.
ADVERTISEMENT
Siya ay mula sa indigenous group na Teduray at anak ng isang magsasaka at public school teacher.
Pagbati para sa iyong parangal at husay, Nathan!



