Lalong umiinit ang sagutan sa pagitan ng tagapagsalita ng House prosecution panel at ng Senate impeachment court ukol sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Matapos ngang batikusin ni Senate impeachment court spokesperson Atty. Regie Tongol ang Kamara sa umano’y pagkuwestyon sa Korte bumuwelta naman ngayon si House prosecution spokesperson Atty. Antonio Bucoy.
Iginiit ni Bucoy na ang Senado ang nagpapatagal sa kaso sa halip na diretsahang ituloy ang trial.
Binatikos din ni Bucoy ang pagre-remand ng Senado na aniya’y nagbubukas ng daan para ibasura ang kaso nang hindi man lang nagkakaroon ng pagdinig.

