News LightLatest News

34 nawawalang sabungero, inilibing sa Taal Lake | News Light

Inilibing umano ang 34 na nawawalang sabungero sa Taal Lake sa Batangas. Ayon ito sa isang suspect na isa sa anim na guwardya sa Manila Arena na nais tumayo bilang…

Newslight · · 1 min read

Inilibing umano ang 34 na nawawalang sabungero sa Taal Lake sa Batangas.

Ayon ito sa isang suspect na isa sa anim na guwardya sa Manila Arena na nais tumayo bilang state witness sa kaso.

Pahayag ni alyas “Totoy,” ang mga sabungero ay pinatay gamit ang wire na isinakal sa kani-kanilang leeg.

Nakakatanggap umano ng mga banta sa buhay ang kanyang pamilya kaya siya umamin at nagsalita.

Nangako naman si Totoy na sasabihin niya ang pangalan ng pangunahing suspek sa krimen sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT

Aniya, lahat ng mga nawawala at pinatay na sabungero ay dahil umano sa pandaraya sa sabungan.

Dagdag pa ni Totoy, maliban sa mga sabungero, nakalibing din umano sa Taal Lake ang ilang drug lords. (Sarah Lagsac-Arsenio)

What do you feel about this article?