
Matagumpay na naaresto ng Santa Cruz Municipal Police Station, katuwang ang Regional Anti-Cybercrime Unit 4A, ang isang indibidwal na responsable sa online bomb joke na kumalat sa social media kahapon June 18.
Ayon sa imbestigasyon, agad na na-flag ng RACU ang mapanlinlang na komento at, sa tulong ng account monitoring at surveillance, natunton at naaresto ang suspek sa parehong araw.
Bagamat napatunayang hindi totoo ang banta, kinumpirma ng mga awtoridad na ang ganitong uri ng biro ay isang seryosong paglabag sa batas.
Paalala ni PLTCOL Alexander Alvarez, hepe ng Santa Cruz MPS, na ang mga bomb joke ay hindi biro at maaaring magdulot ng panic at kaguluhan sa publiko.
ADVERTISEMENT
Nanawagan rin ang pulisya sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at agad i-re[ort ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

