Latest NewsNews Light

Fuel subsidy, ibibigay ng pamahalaan para sa mga apektadong sektor ayon kay PBBM | News Light

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,na handang umalalay ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon sa harap ng pinangangambahang pagtaas ng presyo nito dahil sa posibleng paglala ng tensyon sa Middle…

Newslight · · Updated · 1 min read

Nakahandang umalalay ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon.

‘Yan ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng pinangangambahang pagtaas ng presyo ng krudo dahil sa posibleng paglala ng tensyon sa Middle East.

Magbibigay ang pamahalaan ng fuel subsidy sa mga maaapektuhang sektor gaya ng tsuper at magsasaka.

Dagdag pa niya, hindi makakalabas ang suplay ng langis mula sa pinanggalingan nito kung sakaling maharangan ang sentral na daanan ng langis, kaya tiyak na tatamaan ang presyo nito.

ADVERTISEMENT

Ang pagbibigay ng fuel subsidy ay matatandaang ipinamahagi noong kasagsagan ng pandemya na naglalayong matulungan ang mga indibidwal at sektor na higit na naapektuhan. (Edrei Mallorca)

What do you feel about this article?