Balitang A2ZLatest News

Teves, isasailalim sa ‘major surgery’ sa matapos makaranas ng matinding sakit sa tiyan

Isinugod sa ospital ang dating kongresistang si Arnolfo Teves Jr. at isasailalim sa major surgery matapos makaranad ng matinding sakit sa tiyan.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Isinugod sa ospital ang dating kongresistang si Arnolfo Teves Jr. at isasailalim sa major surgery matapos makaranas ng matinding sakit ng tiyan.

Ayon sa kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio, binigyan ng paunang lunas si Teves at dinala sa ospital makalipas ang isang oras.

Kinumpirma ng BJMP na dinala sa pamahalaang ospital si Teves at sumailalim na sa gamutan.

What do you feel about this article?