Balitang A2ZLatest News

Rep. Paolo Duterte, bumuwelta sa 1sambayanan matapos balaan ang mga bansa na huwag tanggapin si dating Pang. Duterte

Binanatan ni Congressman Paolo Duterte ang grupong 1sambayanan matapos umanong balaan nito ang mga bansa na huwag tanggapin si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung maaaprubahan ang kaniyang interim release.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Binanatan ni Congressman Paolo Duterte ang grupong 1sambayanan matapos umanong balaan nito ang mga bansa na huwag tanggapin si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung maaaprubahan ang kanyang interim release.

Sa isang pahayag, iginiit ni Paolo Duterte hindi nakita ang grupong ito na kumondena noong may mga Pilipinong biktima ng mga drug lord at NPA.

Ngayon lamang aniya nag-ingay ang 1sambayanan laban sa kanyang ama.

Dagdag niya, maraming bansa na ang kumilala sa ginawa ng dating pangulo para labanan ang krimen at droga.

ADVERTISEMENT

Binanatan din ni Duterte ang 1sambayanan at Makabayan bloc na umano’y sinusuportahan ng mga kalaban sa politika para sa 2028.

What do you feel about this article?