Hindi bababa sa 14 ang patay at mahigit 50 ang sugatan matapos muling bombahin ng Russia ang Kyiv, Ukrain nitong June 17.
Tinawag ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na isa sa pinaka kakila-kilabot na opensiba mula nang sumiklab ang digmaan noong 2022.
Tinamaan ng ballistic missile ang isang siyam na palapag na apartment sa kanluran ng Kyiv habang napinsala rin ang mga kalapit na gusali.
Nagsagawa na ng search and rescue ang daan-daang rescuers habang maaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.
ADVERTISEMENT
Nanawagan si Zelenskyy sa international community na huwag palampasin ang ginagawang pag-atake ni Russian President Vladimir Putin na umano’y nagpapatuloy sa digmaan dahil kayang-kaya pa aniyang ipagpatuloy ito.

