DZJV Radyo CALABARZONFeatured

P2.3-M halaga ng shabu, nasabat sa Batangas City

Arestado ang tatlong high-value drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Barangay Calicanto at Bolbok sa Batangas, City.  Unang nahuli si alyas “Bebe,” 29-anyos, sa Brgy. Calicanto kung saan…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PRO-CALABARZON

Arestado ang tatlong high-value drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Barangay Calicanto at Bolbok sa Batangas, City. 

Unang nahuli si alyas “Bebe,” 29-anyos, sa Brgy. Calicanto kung saan nasamsam ang tinatayang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680, 400.

Kasunod nito, sa Brgy. Bolbok, nahuli rin sina alyas “Jomel,” 33-anyos, at alyas “Jovs,” 32-anyos, na nakuhaan ng 120 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P816,000, at buy-bust money na P200,000.

Sa kabuuan, nasa 245 gramo ng shabu ang nakumpiska na may tinatayang halaga na P1.66 milyon batay sa Dangerous Drugs Board valuation.

ADVERTISEMENT

Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas City Police ang mga suspek. 

What do you feel about this article?