Balitang A2ZLatest News

GV Florida Transport Inc., pinangalanan na ang mga driver na sangkot sa viral na karerahan ng bus pa-Cagayan

Tinukoy na ng GV Florida Transport ang mga driver na sangkot sa viral na bus racing sa Cagayan, kamakailan kinumpirma yan ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza sa briefing ng…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Tinukoy na ng GV Florida Transport ang mga driver na sangkot sa viral na bus racing sa Cagayan.

Kamakailan kinumpirma ‘yan ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza sa briefing ng Transportation Department.

Sa viral video noong June 8, anim na bus ang nakunang nag-uunahan sa highway mula Nueva Vizcaya hanggang Isabela.

Una nang napangalanan ang tatlong driver noong June 13.

ADVERTISEMENT

Habang agad na binalaan sila ng LTO na kailangang iulat ang iba pang driver bago ang June 16 para hindi patawan ng dagdag-parusa.

What do you feel about this article?