DZJV Radyo CALABARZONFeatured

Batang babae, sugatan sa pamamaril sa Lucban-

Isang limang taong gulang na batang babae ang malubhang nasugatan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Ayuti, Lucban, Quezon. Batay sa ulat ng Lucban Police, nasa terrace…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: PRO CALABARZON

Isang limang taong gulang na batang babae ang malubhang nasugatan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Ayuti, Lucban, Quezon.

Batay sa ulat ng Lucban Police, nasa terrace ang biktima kasama ang kanyang kapatid nang lumapit ang suspek na naka-pulang hoodie at sakay ng motorsiklong Honda Click.

Walang malinaw na dahilan, bigla na lamang nitong pinaputukan ang bata gamit ang kalibre .45 na baril.

Tinamaan ng bala sa kanang braso at tiyan ang biktima na agad namang isinugod sa MMG Hospital para sa agarang lunas.

ADVERTISEMENT

Samantala, mabilis tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

What do you feel about this article?