Latest NewsFeatured

PBBM, pinatututukan ang mental health ng mga estudyante kasabay ng pagbubukas ng klase

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bantayan ang mental health ng mga estudyante maging ang mga kaso ng cyberbullying sa mga…

Jomar Villanueva · · Updated · 2 min read

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bantayan ang mental health ng mga estudyante maging ang mga kaso ng cyberbullying sa mga paaralan, kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong Lunes, June 16.

Magiging katuwang ng Department of Education (DepEd) ang DSWD sa pagsawata sa bullying sa loob man ng mga paaralan o online.

Ayon sa datos ng DepEd, nasa 2500 kaso ng bullying ang naitala sa mga paaralan sa Metro Manila noong school year 2024-2025 — dahilan para pirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act noong December 2024.

Ayon kay Marcos Jr, lahat ng ahensya ay nakabantay sa pagbubukas ng klase.

“First day pa lang pero nakabantay kami sa inyong lahat para tiyakin na lahat ng pangangailangan, lalo na ng mga kabataan, ay kahit papano ay maipaabot natin,” ayon sa Pangulo.

ADVERTISEMENT

Inatasan din ni Marcos Jr ang Department of Health (DOH) na siguruhing handa ang mga clinic at medical facility sa loob ng mga paaralan, maging ang Department of Trade and Industry (DTI) na tutukan ang presyo ng mga school supply at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na siguruhing maaasahan ang internet connectivity.

Nakabantay din aniya ang Philippine National Police (PNP) para sa ligtas na pagbubukas ng school year 2025-2026.

What do you feel about this article?