Balitang A2ZLatest News

LTO official sa Baguio City na sangkot sa drunk driving, sinibak na sa pwesto

Sinibak na sa pwesto ng Department of Transportation ang isang opisyal ng mismong Land Transportation Office sa Baguio City na nasangkot sa insidente ng drunk driving nitong June 10 ng…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Sinibak na sa pwesto ng Department of Transportation ang isang opisyal ng mismong Land Transportation Office sa Baguio City na nasangkot sa insidente ng drunk driving nitong June 10 ng gabi.

Sa spot report, naaksidente sa Legarda road si LTO Baguio district office chief Engr. Edilberto Bungaoen pero nang imbitahan sa police station ay saka naraw ito naging arogante dahilan upang dalhin ito sa ospital kung saan siya nagpositibo sa alcohol breath test.

Nahaharap sa posibleng pagkakakulong ang drunk driver official, multang aabot ng 50 thousand pesos at posibleng permanenteng pagkakatanggal ng lisensyang magmaneho.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon sinibak na sa pwesto ang opisyal at inaasikaso na rin ang kanyang termination.

What do you feel about this article?