Balitang A2ZLatest News

Lalaki na target sa buy-bust operation, patay matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Pasig City

Patay ang isang bente uno anyos na lalaki na target ng gun buy-bust operation matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa barangay pinagbuhatan, Pasig City, gabi ng Huwebes, June 12.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Patay ang isang bente uno anyos na lalaki na target ng gun buy-bust operation matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa barangay pinagbuhatan, Pasig City, gabi ng Huwebes, June 12.

Ayon kay chief investigation ng Pasig City Police Station, na si PMAj. Loreto Tigno nagpanggap na buyer ang isa nilang operatiba matapos mapag-alamang nagbebenta ng ilegal na baril ang lalaki.

Nakipagkita ang suspek sa barangay Pinagbuhatan at ibinenta ang isang kalibre kwarenta’y singko na baril sa halagang 21 thousand pesos. Pero imbes na ibigay ang baril ay binaril ng suspek ang pulis na agad nakatakbo.

Ayon sa report, bago ang operasyon nangholdap pa umano ang suspek ng dalawang cellphone na halagang 81 thousand pesos matapos ang engkwentro, itinuro ng biktima ang suspek.

Narekober sa lugar ang dalawang baril at isang granada.

ADVERTISEMENT

Habang lumabas din sa imbestigasyon na sangkot sa carnapping at gun-for-hire ang suspek.

Tukoy na ng pulisya ang kasabwat nito at patuloy itong pinaghahanap na ng mga otoridad.

What do you feel about this article?