Balitang A2Z

Isang pasahero, himalang nakaligtas sa plane crash sa India na ikinasawi ng halos 300 katao

Himalang nakaligtas po ang isa sa mga pasahero sa Air India Plane crash nitong Huwebes sa Ahmedabad, India na ikinasawi na ng halos tatlondaang katao na at itinuturing na pinakamalubhang…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Himalang nakaligtas po ang isa sa mga pasahero sa Air India Plane crash nitong Huwebes sa Ahmedabad, India na ikinasawi na ng halos tatlondaang katao na at itinuturing na pinakamalubhang plane crash sa nakalipas na sampung taon.

Ayon sa salaysay ng biktima nakarinig umano ng malakas na ingay pagkatapos ng take-off.

Papuntang london ang eroplano na may halos 250 na pasahero nang bumagsak ito ilang sandali lamang mula sa pagkakalipad nito.

Nadamay din ang mga nasa ground nang tumama ang eroplano sa isang Medical College Hostel sa oras ng tanghalian.

ADVERTISEMENT

Binisita naman ng Indian Interior Minister ang katangi-tanging nakaligtas at maging ang mga sugatan.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang aksidente.

What do you feel about this article?