Babae, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Valenzuela City

📅

Patay ang trenta’y kuwatro anyos na babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Sa CCTV, makikita ang pagliko ng isang motorsiklo sa F. Bautista street hanggang sa pinaputukan ang biktima na naglalakad.

Ang mas mabigat pa, bumaba pa ang salarin at muling binaril ang biktima.

Ayon sa pulisya, dead on the spot ang biktima na papunta sana sa kikitain sa kanto ng Marulas.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo at katawan.

Lumabas din sa imbestigasyon na may dati nang kaso sa droga at pagnanakaw ang biktima.

ADVERTISEMENT

Tinitingnan namang motibo ang onsehan sa ilegal na droga.

Patuloy naman ang backtracking sa CCTV at may person of interest nang minamanmanan ang pulisya.

Nanawagan naman ang mga otoridad sa publiko, na ipagbigay-alam agad kung may impormasyon sa mga salarin.