Nakapagtala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 121,000 na batang nailigtas mula sa mapanganib na mga trabaho sa loob lamang ng dalawang taon.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, bunga ito ng pinaigting na monitoring at profiling ng mga bata at kanilang mga komunidad.
Maliban dito, nagkaroon rin ng dagdag na tulong para sa edukasyon ng mga bata at sa kabuhayan ng kanilang mga pamilya.
Patuloy rin ang pagpapahusay sa kakayahan ng mga miyembro ng pamilya at pagpapatibay ng suporta upang tuluyang wakasan ang child labor pagsapit ng taong 2030.



