News LightLatest News

Pag-remand ng Senado sa impeachment articles ni Vice President Sara Duterte, kinuwestiyon ng Philconsa | News Light

Binatikos ng Philippine Constitution Association (Philconsa) ang pagpapabalik ng Senado sa Kamara sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ace Cruz · · 1 min read

Binatikos ng Philippine Constitution Association (Philconsa) ang pagpapabalik ng Senado sa Kamara sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pahayag na nilagdaan ni Philconsa chairman at dating Chief Justice Reynato Puno, malinaw umano sa naging aksyon ng Senado ang mga isyung konstitusyonal gaya ng grave abuse of discretion, paglabag sa exclusive power ng Kamara, at pagpapabagal sa proseso.

Dagdag pa ng grupo, hindi dapat hadlangan ng mga procedural na taktika o pansariling interes ng mga partido ang impeachment, lalo’t ito ay para sa taumbayan upang panagutin ang mga opisyal na may sala.

Pinunto rin ng Philconsa na hindi nawawala ang hurisdiksyon ng Senado bilang impeachment court kahit tumawid ito sa susunod na Kongreso.

ADVERTISEMENT

Babala pa ng grupo, nagmamatyag ang taumbayan sa galaw ng mga institusyong dapat gumalang sa impeachment process.

What do you feel about this article?