Balitang A2ZLatest News

“Nahihiya ako sa ginawa natin kay FPRRD”: VPSD pinasaringan ang Marcos gov’t sa kanyang talumpati sa Malaysia

Nagdiwang ng ika-127 araw ng Kalayaan ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte sa Kuala Lumpur sa Malaysia.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagdiwang ng ika-127 araw ng Kalayaan ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte sa Kuala Lumpur sa Malaysia.

Sa isang video message binigyang-diin ng bise presidente ang kahalagahan ng tungkuling bantayan ang kalayaang tinatamasa sa lahat ng panahon.

Dagdag niya huwag isuko ang kalayaan sa mga walang malasakit sa mamamayan at bayan.

Habang dumalo at nakiisa naman ang ilang mga OFWs sa event ni VP Sara kung saan muling nagpasaring ang ikalawang pangulo sa aniya ay ginawang pagsuko ng pamahalaan sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

What do you feel about this article?