Nagpatawag na ng emergency meeting ang Commission on Elections matapos ratipikahan ng Kamara ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Nakatakda na dapat sa darating na disyembre ang BKSE pero sa ratified bicam report ay target itong i-reschedule sa November 2026.
Samantala, target naman ng comelec na i-publish sa mga susunod na araw ang mga statement of contributions and expenditures o SOCE ng mga kumandidato sa nagdaang midtem elections.
Dagdag ng komisyon, maari ring pagmultahin o kaya ay idiskwalipika
ang mga hindi nagsumite ng SOCE alinsunod sa patakaran ng batas.

