Mariing itinanggi ng TESDA Region 12 ang kumakalat na balita tungkol sa umano’y pagbebenta ng National Certificates (NC) online.
Ayon kay Regional Director Jerry Tizon, ang mga pekeng NC ay ginagamit para makapanloko at hindi kailanman kikilalanin ng TESDA.
Ipinaliwanag niya na ang mga lehitimong sertipiko, lalo na ang bagong inilabas na e-NC, ay may QR code na maaaring i-scan upang matukoy ang pagiging totoo nito.
Nakikipag-ugnayan na rin ang TESDA sa NBI at mga lokal na tanggapan upang tugisin ang mga nasa likod ng pagbebenta ng mga pekeng sertipiko.
ADVERTISEMENT
Hinimok ni Tizon ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga tanggapan ng TESDA kung may nalalamang bentahan ng pekeng NC upang agad na maaksyunan.



