Balitang A2ZLatest News

Suplay ng kuryente sa Siquijor, aayusin sa loob ng 6 na buwan ayon sa Pangulo

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kikilos na ang pamahalaan para solusyunan ang krisis sa kuryente sa Siquijor.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kikilos na ang pamahalaan para solusyunan ang krisis sa kuryente sa Siquijor.

Binisita ni Marcos ang lalawigan kasama ang mga opisyal ng Energy department, National Electrification Administration at iba pang ahensya para tingnan ang sitwasyon.

Aniya, lubhang apektado ang mga residente dahil sa paulit-ulit na brownout at umaabot lamang sa dalawang oras ang suplay ng kuryente sa ilang kabahayan.

Giit ng pangulo, napapabayaan ng Siquijor Island Power Cooperative o SIPCOR ang serbisyo kaya pinaiimbestigahan na ito.

Dahil sa lumalalang sitwasyon, idineklara na rin ang state of calamity sa probinsya.

ADVERTISEMENT

Bilang agarang solusyon, agad na ipinadala ang dalawang malalaking generator set mula palawan.

Pero diin ni Marcos, panandalian lamang ito at kailangang makahanap ng permanenteng solusyon sa loob ng anim na buwan.

Hinikayat din ng pangulo ang SIPCOR na tuparin ang kanilang mga obligasyon sa mga mamamayan.

What do you feel about this article?