Good NewsFeatured

Libo-libong trabaho, alok sa nationwide job fair ngayong Araw ng Kalayaan | News Light

Umaabot sa 89,000 na trabaho ang alok ng Department of Labor and employment (DOLE) sa ikakasang nationwide job fair ngayong Araw ng Kalayaan.

Newslight · · Updated · 1 min read

Umaabot sa 89,000 na trabaho ang alok ng Department of Labor and employment (DOLE) sa ikakasang nationwide job fair ngayong Araw ng Kalayaan.

Ayon sa DOLE, mahigit sa 900 na employers ang lalahok sa job fair na isasagawa sa 49 sites sa buong bansa.

Kabilang sa mga alok na trabaho ay production operator, sales clerk, call center representative, service crew, at microfinance officer.

Maaaring bisitahin ang website ng DOLE na PhilJobNet para sa kumpletong listahan ng mga bakanteng trabaho.

What do you feel about this article?