Isang Filipino musical tungkol sa buhay at tagumpay ng mga OFW ay itatanghal sa kauna-unahang pagkakataon sa Dubai bilang parte ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Ang off-Broadway musical na Kalayaan at Pag-ibig ay isinulat at pinangunahan ni vocal coach at producer Elipas Cahaponon Sibua.
Maliban sa buhay OFW, ipapakita sa musical na ito ang iba’t ibang uri ng pag-ibig para sa pamilya, kasintahan, at maging sa bansang Pilipinas.
Mapapanood ang Kalayaan at Pag-ibig sa BurJuman Mall Atrium sa Dubai sa Hunyo 13.



