DZJV Radyo CALABARZONRegional

Calamba-Bay bypass road project, sisimulan na

Opisyal nang sisimulan ang konstruksyon ng Calamba-Bay Bypass Road sa pamamagitan ng isang groundbreaking ceremony kahapon, June 11, na pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna katuwang ang Ecotoll Road and…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PIA-CALABARZON

Opisyal nang sisimulan ang konstruksyon ng Calamba-Bay Bypass Road sa pamamagitan ng isang groundbreaking ceremony kahapon, June 11, na pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna katuwang ang Ecotoll Road and Development Corporation (ERDC).

Layon ng proyekto na bawasan ang trapiko, at pasiglahin ang ekonomiya ng lalawigan.

Ayon kay DPWH Assistant Secretary Nerie Bueno, bahagi ito ng “Build Better More” program ng administrasyong Marcos at akma sa Laguna Lakeshore Road Network.

Inihayag ni Governor Ramil Hernandez na nagsimula ang konsepto ng proyekto noong 2018 upang tugunan ang matinding trapiko sa Calamba, Los Baños, at Bay.

Inaasahang magbibigay ito ng trabaho, maghihikayat ng pamumuhunan, at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa silangang bahagi ng Laguna.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ni ERDC Chairman Reghis M. Romero III ang kanilang pagtutok sa transparency, ecological sustainability, at ang pagtapos ng proyekto sa loob ng tatlong taon.

Buong suporta rin ang ipinahayag ng mga lokal na opisyal mula sa ika-3 at ika-4 na distrito ng Laguna.

What do you feel about this article?