Latest NewsNews Light

Presyo ng ilang mga gulay sa palengke, bahagyang tumaas | News Light

Tumaas nang bahagya ang presyo ng ilang mga gulay sa palengke sa Metro Manila.

Newslight · · 1 min read

Tumaas nang bahagya ang presyo ng ilang mga gulay sa palengke sa Metro Manila.

Tumaas ng ₱10 ang presyo ng pipino kaya ngayon ay ₱100 na ang kada kilo.

Ganoon din ang kamatis na ₱10 rin ang itinaas at ngayon ay nasa ₱70 kada kilo.

Nananatiling mataas ang presyo ng luya na nasa ₱230 kada kilo.

ADVERTISEMENT

Wala namang paggalaw sa presyo ng talong at repolyo na nasa ₱100 kada kilo, habang ang pechay Baguio ay nasa ₱80 kada kilo.

Binabantayan pa ang paggalaw ng presyo ng mga gulay kasunod ng pagbabago ng panahon at pagpasok ng mga bagyo sa bansa.

What do you feel about this article?