Balitang A2ZLatest News

PBBM, kampante sa pagkakatalaga kay Raul Villanueva bilang bagong Associate Justice ng Supreme Court

Nagpahayag ng kapanatagan si President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa bagong talagang Associate Justice ng Korte Suprema na si Raul Villanueva.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagpahayag ng kapanatagan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bagong talagang Associate Justice ng Korte Suprema na si Raul Villanueva.

Kinilala rin ng punong ehekutibo ang kasanayan ni Villanueva sa sistema ng hustisya ng Pilipinas nang pangunahan niya ang oath taking ni Villanueva bilang unang appointee ng administrasyon sa Korte Suprema.

Umaasa rin ang Pangulo na ang pagkakatalaga kay Villanueva ang simula ng mas maayos na relasyon sa pagitan ng Korte Suprema at executive department.

Matatandaang nanilbihan siya bilang court administrator ng Korte Suprema.

ADVERTISEMENT

Nagsimula ang kaniyang karera noong 2002 bilang presiding judge ng Las Piñas City Regional Trial court branch 255.

Nagsibli rin siyang executive judge ng Las Piñas City RTC. Nagtapos siya ng bachelor’s degree in economics at bachelor of laws degree sa University of the Philippines.

What do you feel about this article?