Balitang A2ZLatest News

MMDA, iginiit na pwede pa ring hulihin ng traffic enforcers ang mga violators kahit may NCAP

Iginiit ng MMDA, na maaari pa ring manghuli ang mga traffic enforcers sa kalsada sa kabila ng ipinatutupad na No Contact Apprehension Policy o NCAP.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Iginiit ng MMDA na maaari pa ring manghuli ang mga traffic enforcers sa kalsada sa kabila ng ipinatutupad na No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ayon sa MMDA may mga “blindspots” o mga lugar na walang CCTV kaya kailangan pa ring ng physical apprehension.

Pinawi rin ng ahensya ang takot ng mga motorista na mahulihan sila ng doble-doble.

Kinukumpirma rin ng MMDA ang mga ticket na isinusumite ng mga enforcers para maiwasan ang duplikasyon.

ADVERTISEMENT

Sinimulan na ring ipadala ang mga notice of violation sa mga lumabag na nasagap ng CCTV base sa address na nasa LTO records kahit nasa labas pa ng NCR.

Ginagamit ng MMDA ang motorcycle unit at philpost sa pagdala ng mga notice of violations.

What do you feel about this article?