Nasungkit ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang ikalimang pwesto sa FBK Games sa Netherlands.
Nalagpasan niya ang taas na 5.66 meters, kapareho ng naitala nina American Keaton Daniel at Tao Zhong ng China.
Tatlong beses namang nabigo ang Pilipinong atleta sa pagsubok sa 5.74 meters.
Ito ang unang laban ni Obiena matapos niyang matagumpay na ipagtanggol ang kanyang titulo sa Asian Championships noong nakaraang linggo.
ADVERTISEMENT
Muling makikita sa aksyon si Obiena sa Oslo Bislett Games sa Hunyo 12.

