Nanawagan ang Department of Health na gawing batas ang pagpaparusa sa mga magdadala ng vape at sigarilyo sa paaralan.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, dumarami ang estudyanteng nagve-vape sa labas ng eskwelahan pagkatapos ng klase.
Iginiit din ng kalihim na kailangan ng malinaw na polisiya para hindi makalapit sa mga estudyante ang vape, sigarilyo, at droga.
ADVERTISEMENT
Samantala, ginawaran naman ng ahensya ang 80 paaralan dahil sa pagsunod sa health standards para sa estudyante.

