Nanawagan ang Department of Health (DOH) na gawing batas ang pagpaparusa sa mga magdadala ng vape at sigarilyo sa paaralan.
Ayon ka DOH Secretary Ted Herbosa, dumarami ang estudyanteng nagve-vape sa labas ng eskwelahan pagkatapos ng klase.
Kaya nararapat lang na ipagbawal na rin ang pagdadala ng vape sa eskwela lalo’t nakakasama ito sa kalusugan.
Iginiit din ng kalihim na kailangan ng malinaw na polisiya para hindi makalapit sa mga estudyante ang vape, sigarilyo, at droga.
ADVERTISEMENT
Samantala, ginawaran naman ng ahensya ang 80 paaralan dahil sa pagsunod sa health standards para sa mga estudyante.



