Good NewsFeatured

17-anyos na Pinay researcher, kinilala bilang youngest mentor judge sa International Creativity and Innovation Award 2025 | News Light

Kinilala bilang pinakabatang mentor judge para sa isang global innovation event ang 17-anyos na Pinay researcher, writer, at climate advocate.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Kinilala bilang pinakabatang mentor judge para sa isang global innovation event ang 17-anyos na Pinay researcher, writer, at climate advocate.

Ang STEM student na si Cheska Mikaella Supangan mula sa La Salle College Antipolo ay kabilang sa mga mentor judge ng International Creativity and Innovation Award 2025.

Ang kanyang husay sa science research sa murang edad pa lamang ang dahilan upang kilalanin siyang mentor judge, kasama ang iba’t ibang propesor at mananaliksik mula sa ibang bansa.

Isa sa kanyang solo case study na ginawa niya noong Grade 9 ay ang “Resiliency Over Cancer: In-Depth Analysis of Work Efficiency and Coping Mechanisms of Teachers With Cancer.”

Naipresenta na rin niya ang kanyang pag-aaral sa National Research Congress sa ilalim ng Instabright International Guild of Researchers and Educators.

Nakatanggap rin siya rito ng Best Oral Research Presenter Award at Best Research Paper Award.

ADVERTISEMENT

Isa sa kanyang pinasasalamatan ay ang kanyang ama na kanyang mentor.

Dagdag pa niya, ang kanyang pagiging mentor judge ay paraan upang matulungan ang kanyang kapwa mananaliksik gamit ang kanyang karanasan.

What do you feel about this article?