Umapela si Senador Joel Villanueva sa Kamara na ipadala na sa kanila ang kopya ng ipinasang ₱200 na panukalang umento sa sahod ng minimum wage earners sa pribadong sektor.
Ang minimum wage earners ay ‘yung mga manggagawa na tumatanggap ng ₱645 kada araw.
Sinabi ni Villanueva na imbes ang kopya ng House bill ang matanggap, mga pangalan ng makakasama nilang mambabatas sa bicam ang ipinadala sa kanila.
Mahalaga aniyang maisumite na ito ng mga mambabatas sa kanilang Senate counterparts lalo’t kailangan pa itong rebyuhin kung gaano makaaapekto sa ekonomiya.
ADVERTISEMENT
Sa Miyerkules, Hunyo 11, nakatakdang mag-sine die adjournment ang Senado.

