And the Tony goes to… Filipino-American stars Nicole Scherzinger at Darren Criss!
Wagi sa katatapos lamang na Tony Awards 2025 sina dating Pussycat Dolls member Nicole Scherzinger at dating Glee actor Darren Criss.
Naiuwi ni Scherzinger ang Best Performance by an Actress in a Leading Role in a Musical para sa kanyang pagtatanghal sa Sunset Boulevard.
ADVERTISEMENT
Pinarangalan naman ng Best Performance by an Actor in a Leading Role in a Musical si Darren Criss para sa kanyang papel sa Maybe Happy Ending.
Sa speech ni Nicole, pinasalamatan niya ang Diyos at ipinahayag kung gaano siya ka-proud na irepresenta ang Hawaii, Ukraine, at Pilipinas.
Pinasalamatan naman ni Darren Criss ang kanyang asawa na nagbigay suporta sa kanya.
ADVERTISEMENT
Nominado rin sa Tony Awards ang mga Fil-Am artists na sina Conrad Ricamora at Clint Ramos para sa Best Performance by an Actor in a Featured Role in a Play at Best Costume Design of a Musical.
Dumalo rin sa seremonya si Tony Award winner Lea Salonga bilang presenter.
Mabuhay at pagbati para sa mga nagwagi!
ADVERTISEMENT

