DOST, maglalaan ng mahigit ₱2.6 bilyon para sa AI-related projects | News Light

📅

Maglalaan ang Department of Science and Technology (DOST) ng mahigit ₱2.6 bilyon para sa mga proyektong may kaugnayan sa artificial intelligence (AI).

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., may nakahandang AI roadmap na sumasaklaw sa imprastruktura, serbisyong teknolohikal, at pagsasanay ang ahensya.

Bahagi ng plano ang pagpapaunlad ng AI innovation ecosystems, online learning, at education.

Binanggit din niya ang pagtatatag ng isang national AI think tank na tutulong sa pagbuo ng pambansang AI strategy.

ADVERTISEMENT

Sa kasalukuyan, suportado na ng DOST ang ilang AI projects gaya ng SkAI-Pinas at SPARTA na nakatulong sa pag-upskill ng mahigit 49,000 Pilipino.

Ayon kay Solidum, ang pag-angat ng Pilipinas mula ika-65 patungong ika-56 na puwesto sa 2024 AI Readiness Index ay patunay ng pag-unlad ng bansa sa paggamit ng AI para sa serbisyo publiko at kaunlaran.