Sinimulan na ng ilang Civil Society groups ang kanilang kilos-protesta sa Senado bago ang pag-convene ng impeachment court para sa napipintong trial ni Vice President Sara Duterte.
Pero giit ni Senate President Francis Escudero, hindi niya pakikinggan ang anumang panawagang madaliin ang proseso kahit pa sinabi ng isang senador na kaya itong tapusin sa loob ng 19 na araw.



