
Sapul sa CCTV ang pagwawala at paninira ng gamit ng isang lalaki sa loob ng lugawan sa Brgy. 6, Lucena City, kamakailan.
Pagpasok nito ay aalakain mong customer lamang subalit maya-maya pa ay bigla na lamang itong nagsisisigaw.
Lalo itong nagalit at nagwala nang sitahin at paalisin ng crew.
Sinira at pinagbabato nito ang ilang gamit sa establisyemento saka umalis.
ADVERTISEMENT
Bagamat naiulat na sa pulisya, hinimok pa rin ng pamunuan ng Lugawan ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang anumang impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan ng lalaki.
